Kung sa pagpapasalamat, napakarami ng dapat ipagpasalamat sa ating Panginoon sa bawat oras.  Ngunit sa sandaling ito, hayaan ninyong ibahagi  ko  sa inyo ang  aming kagalakan sa katuparan ng aming mga panalangin. April  4  ng taong ito nag graduate si Jet sa kanyang kurso sa UB,  kumuha ng Board Exam noong September 12 & 13, at naging ganap na Electrical Engineer noong  September 18.  Nanumpa siya sa isang oath taking ceremony as a Registered Electrical Engineer noong November 4. Ngunit hindi  dyan natapos ang favors ng Panginoon.  Natanggap  siya sa isang Japanese Company sa (FPIP, Sto Tomas) pagkatapos  ng exam and interview  at nagsimula sa kanyang trabaho noong October 12. Alam ko na nasa kanya ang pag gabay ng Panginoon dahil sa bawat  paghakbang, kitang-kita ang pag alalay ng Diyos. Naging madali sa kanya ang bawat steps sa kanyang buhay. Noong  October 24, ganap ng isang taon si Vim sa Canada. Sa loob ng panahong  malayo siya sa pamilya ay patuloy ang pag aalaga sa kanya ng Panginoon sa kanyang spiritual at physical na buhay.  Sa ngayon ay member siya ng Praise & Worship team ng Glad Tidings Church, a Christian Church sa Victoria, Canada, at nakapag organize na rin sila ng isang cell group kung saan ay nagagamit niya ang mga natutuhan niya dito sa BCBC. Nakatagpo  siya ng mga kaibigang  umaaliw sa kanya sa panahon ng pag-iisa at kalungkutan.  Madali siyang nakapag-adjust sa klima ng Canada at  hindi hinayaan ng Panginoon na magkasakit siya, maliban sa sipon at ubo nito lamang nakaraang buwan.  Nagdulot din sa amin ng kagalakan na makatagpo siya ng inspirasyon  sa katauhan ng isang tao na itago natin sa pangalang ”MARJ” na sa kasalukuyan ay isang nurse sa Florida, USA. Alam kong may plano rin ang Panginoon sa kanila. Lubos ang pasasalamat ng buong pamilya sa  pagsapit ng 55th birthday ng Mommy. Sa panahong ito higit niyang nagagamit ang talent na ibinigay sa kanya ng Diyos  upang makapag lingkod sa paraang malapit sa puso niya.  Salamat din sa patuloy na kalakasan sa aking katawan, sa pag-iingat, sa pag provide ng aming mga pangangailangan. Hindi perfect ang buhay,  ngunit masasabi kong masaya ang aming buong sambahayan, kasiyahang di kayang ibigay ng material na bagay at tanging Panginoon lamang ang kayang magbigay nito. Sa nalalabing bahagi ng aming buhay, ako at ang aking sambahayan ay sa Diyos lamang maglilingkod (Joshua  24:15). To God be the Glory. Daddy's Message          



Leave a Reply.